Ang wikang Filipino dapat mahalin
Ang wikang Filipino ay napakahalaga sapagkat ito ang nagbubuklod sa ating mga Pilipino. Ito ay nagsisilbing liwanang upang lubos nating maunawaan ang ating kasaysayan. Kaya naman, marapat na ito ay pagyamanin, linangin at mahalin nating mga Pilipino. Ang Wikang Filipino ay isa sa pinakamayamang wika sa buong mundo. Ito ay wika ng karunungan dahil ito ay nagsisilbing gabay sa atin bilang isang mamamayang Pilipino. Bukod pa riyan, ang wikang Filipino ay napakahalaga dahil ito ang sumisimbolo sa ating kultura at lahing Pilipino. Bilang mga tao,nagbigay Ang panginoon ng isipan upang gamitin at ipalaganap.Maraming tanong sa isipan ng isang tao,mga tanong na nakakaapekto sa bawat galas,kilos,at desisyon ng sarili sa paaralan,tinuturo ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng wikang pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malayang bansa.Ang wika ay isang paraan ng kumunikasyon dahil sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao ibat-ibang wika sa...